MEMBER LOGIN





DOLE AMINADONG KAKAUNTI LANG ANG NAAYUDAHAN SA MGA MANGGAGAWANG NAAPEKTUHAN NG COVID-19

from September 10, 2020 01:00 am to September 10, 2020 01:00 am

http://www.dwiz882am.com/index.php/s-nasa-1-m-manggagawa-lamang-ang-naabutan-ng-tulong-ng-dole-sa-gitna-ng-covid-19-pandemic/

 Aminado ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maliit na bahagi lamang ng mga manggagawa na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang nakatanggap ng ayuda mula sa kagawaran.

Sa budget hearing ng Kamara, sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na nasa 1 milyong manggagawa lamang na naapektuhan ng pandemiya, mula sa formal at informal sector ang naabutan ng tulong ng DOLE.

Ito ay bagama’t umabot sa 7.3 milyon katao ang napaulat na nawalan ng hanapbuhay noong Abril dahil sa epekto ng pandemiya.

Ayon kay Tutay, pangunahing dahilan aniya nito ay ang limitado ring pondo ng kagawaran.

Samantala, batay sa 2021 National Expenditure Program, may kabuuang alokasyon na P27.01 billion  ang DOLE kabilang na ang mga attached agencies nito.

Iginiit naman ni Labor Director Warren Miclat, hindi sapat ang nabanggit na inaprubahang pondo ng department of budget and management kumpara sa orihinal na panukalang pondo ng kagawaran na P76 billion.

Paliwanag ni Miclat, P40 bilyong mula sa orihinal na proposed budget ang plano sanang gamitin sa mga programang magbibigay tulong sa mga manggagawa upang makarekober mula sa pandemic.